Isang Magsasaka, Dalawang Panginoon (Spoken Word Poetry)
Isang Magsasaka, Dalawang Panginoon (Spoken Word Poetry) Jonel Revistual Isang Magsasaka, Dalawang Panginoon Magtanim ay ‘di biro, Maghapong nakayuko ‘Di naman makaupo, ‘di naman makatayo Pero hindi luluhod. Kahit ilang dekada nang nagdarasal. May mga rehas na nakaharang ngunit hindi ito kumpisal at hindi rin ito misa Kahit ang lahat ay nakaangat na ang mga kamay. Kahit ang nobena ay para sa mga nasa taas at ang sumisigaw sa harap ay malayo sa pastor ngunit mas malapit sa langit at sa mga pangil na de-kalabit. Dahil sa oras na ibasbas na ang tanso sa laman ay hindi ito tutubo, bagkus… tutulo. Na animo’y gripong didiligan Silang mga nagtatanim ngunit walang gatang sa kaldero ng Diyos. Ang tunay na reporma sa lupa ay isang propesiyang hindi matupad-tupad Tugon: Silang mga nagtatanim ngunit walang aanihin ku’ndi butil ng baril Rodolfo Tagalog, Sr. - tubong Milagros, Masbate, pinagbabaril ng militar habang namimitas ng niyog, nakaligtas...