Going Another Side #7 - Lorenzo
SHE is the one I liked before. The time tells that
everything was changing including our feelings.
Palagi kaming magkasama
ng mga katropa ko. Sila Rey, Francis, Arthur, Ace, Leo, Mark, Uly at Marcus.
Minsan, magakaksama rin kami sa tuwing magalalro ng online games.
“Mga pre, tara laro
tayo,” aya ni Rey. “4 v 4, oh, kami nila Lorenzo, Francis tsaka Mark,” dagdag
niya matapos kaming akbayan.
“Tara, tara!” sabi ni
Frances.
Matapos ang ilang oras,
nanalo ang team namin dahil sa malalakas ang ginamit naming mga character.
‘Ma, andito na po ako,”
sabi ko nang makauwi ako matapos ang game namin. Habang nagtatanggal ng sapatos
ay biglang nagsalita si Mama.
“Anong oras na, Lorenzo?”
agad ko siang nakita at makikita kong nanonood siya ng T.V. Siguro ay
hinihintay niya ako.
“Anong oras na at ngayon
mo lang naisipang umuwi?” dagdag pa niya.
“May ginawa lang po kami
sa school. Kailangan na po kasing tapusin kaso nalowbatt po ako kaya hindi ako
nakapag-chat o text,” dumiretso ako sakusina at kumuha ng baso at ng maiinom.
“Umuwi ka nang maaga
bukas. May pupuntahan tayo,” narinig ko na nawala na ang tunog na nanggagaling
sa T.V. at sa tingin ko ay pinatay niya na. Nakarinig ako ng yabag ng umaakyat
sa itaas. Hindi na ako nagtanong pa kung saan at baka mas lalo lang humaba ang
usapan.
PUMASOK ako ng maaga kinabukasan nang maaga
kinabukasan dahil may kailangan talaga kaming tapusin.
“Lorenzo,”
isang pamilyar na boses ang bumugad sa akin ng maibaba ko na ang aking bag.
“O,
Faye, bakit?”
“Tignan
mo ‘to, dali,” aya niya matapos ilabas ang cellphone sa bulsa niya. Agad siyang
umupo at ganoon din ang ginawa ko. Aligaga siyang parang merong hinahanap na
anong bagay doon.
“Tignan
mo ‘to oh,” pinakita niya sa akin ang naka-display na picture sa cellphone
niya. Ako iyon at mayroong effects na bulaklak sa ulo. “Ang ganda mo pala,”
kasabay noon ang kaniyang malakas na pagtawa. Nakita ko na naman ang tawang
iyon.
Hindi
ko alam kung ano ang espesyal sa tawang iyon pero kakaiba iyon sa iba kong
narinig.
Nang
mag-uwian na kami ay agad akong nagtungo sa fast food chain na sinabi sa akin
ni Mama.
“Sa’yo
‘to Lorenzo,” sabi ni Mama habang dinudulugan ako ng pagkain.
“Mama,
si kuya oh,” usal ni Kelly kay Kian. Si Kelly ang bunso naming kapatid.
“Kian,
huwag mong awayin yang kapatid mo,” pangaral ni Mama. Agad silang natahimik
nang magsalita si Mama. “Matuto kayong magbigayan.”
Agad
din kaming umuwi matapos naming kumain doon. Agad kong binuksan ang phone ko at
nahiga sa kama. Pinindot ko ang gallery ng cellphone ko ngunit habang
nagmamasid ay may napansin akong isang larawan. Pinidot koi yon at nag-zoom
iyon sa screen.
Her eyes. Her lips. The way she act to me.
Her reasons. My mistakes. I thinking about the time that we are together.
HER name was Athena. We are so close to each other,
before, but we used to be close only. No attachment. No feelings. Just
bestfriend. At iyon ang akala ko.
“Athena,”
tawag ko sa kaniya habang may ginagawa siya. “Sorry, baka naistorbo kita,”
breaktime naman ngayon at hindi pa siya bumababa para kumain.
“Hindi.
Ayos lang. Sabi mo kanina gusto mo ako kausapin, bakit?” sabi niya at agad
akong kinabahan.
“Athena…”
bumuntonghininga ako at sinabing “gusto kita.”
Nakita
kong natigilan siya at agad na nag-angat ng tingin sa akin. “Hindi ko alam kung
paano pero yun ang gusto kong sabihin sa’yo.
“Lorenzo,”
narinig kong sambit niya sa pangalan ko. “Yo are not aware that I like someone
too?” Agad na binambo ang dibdib ko sa sinabi niya. Ang kaninang araw na
nagbibigay-init lang sa akin ay unti-unting pumapso sa akin. Hindi ako
makagalaw, stucked of what she said.
“You
know, Lorenzo, there are many girls that are better than me for you,” hindi.
Hindi. Ikaw ang gusto ko. “Yes, your handsome, but hindi ako ang para sa’yo.
I’m sorry. Bababa muna ako,” agad niyang sinarado ang kaninang bukas na bag
niya at lumabas ng kwarto namin.
Naiwan
akong nakatulala at tinitignan ang dinaanan niya. Bakit ganun? Bakit hindi ako
masaya?
Ilang
araw kaming hindi nagpapansinan ni Athena. Minsan ay nahuhuli niya akong
sumusulyap sa kanya pero iniiwas niya ang tingin niya.
Araw-araw
din ay napapansin kong palagi siyang may hawak na cellphone at may tina-type.
Minsan naman kapag breaktime ay may kausap siya. Until one day, nakita kong
namumula ang mga mata niya. Umiiyak siya.
Umupo
ako sa aking upuan at pinagmasdan ko siya sa malayo. Tumayo siya at unti-unting
pumupunta sa aking pwesto.
“Lorenzo,”
narinig kong tawag sa akin ni Athena.
“A-Athena…”
nauutal kong sambit. “Bakit?”
“Pwede
ba tayong mag-usap? Wala pa namang teacher,” sabi niya. Agad akong tumango at
sinundan siyang naglakad palabas ng kuwarto.
Dinala
niya ako sa isang bench malapit sa building namin. Malawak ang grounds kaya
nakikita kong maraming estudyante ang nakaupo rin sa ibang mga bench.
Marami
akong naririnig kay Athena magmula noong una pa man. Kahit yung ibang mga
kaibigan ko rin ay may sinasabi tungkol sa kanya. May ilan na nagsasabing
plastic siya at hindi marunong makisama. Kapag ako ang nakakarinig noon,
nalulungkot ako para sa kanya.
Magkaibigan
kami ni Athena pero hindi na simula nung umamin ako sa kanya. Nalaman kong
nagka-boyfriend siya sa ibang klase bagay na ngayon ko lang napansin din sa
kanya. Minsan ay masaya siya at minsan naman ay hindi.
Alam
kong masayahin siya at totoo siya sa sarili niya. Sa tuwing kausap ko siya
dati, ipinapakita niya sa akin kung sino talaga siya malayo sa sinasabi ng iba.
Mas nararamdaman kong totoo siya sa sarili niya.
“Lorenzo,
nag-break na kami,” agad niyang hinawakan ang mga pisngi niya at naririnig ko
ang paunti-unting hikbi niya.
Ayoko
na nasasaktan siya ng dahil sa iba. Hinayaan ko siyang maging masaya sa iba
nang mga panahon na iyon pero sa pagkakataon iyon ay hindi na.
Unti-unti
kong inilapit ang aking mga braso sa kanya at marahan ko siyang niyakap.
Naramdaman kong inihilig niya ang kaniyang ulo sa akin at doon umiyak. “Sorry…
sorry…” mabuti at kakaunti lang ang tao simula kanina at ayokong makitang
ganito siya dito.
“Wag
ka nang mag-sorry. Hayaan mo na siya. At ayokong umiiyak ka ng dahil sa kanya.”
NAGING abala kami ng ilang buwan at lumipat na kami
ng lugar. Malayo na kami sa isa’t isa pero hindi namin hinahayaang hindi kami magkita
kahit ganoon.
“Hi,
I’m Lorenzo Tellavera. Nice to meet you,” maikli kong sabi at agad na nilandas
ang patungo sa upuan ko. Ayoko ng maraming tao ang nakatitig sa akin. Hindi ako
sanay. Nang matapos ang oras na iyon ay agad na nagsibabaan ang iba dahil
breaktime na.
Binuksan
ko ang bag ko at binuksan ko ang cellphone ko. Nilagay ko ang earphone sa aking
tenga at nakinig ng kanta. Nagulat ako ng may kumalabit sa akin. “Kumain ka na?
Tara sabay tayo,” sabi ng babaeng iyo at nagulat ako na may tao rin sa likod
niya. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala kung saan iyon.
Tumango
ako dahil gusto ko ring magkaroon ng mga kaibigan dito. Bumaba kami at nang
makapili ng kakainin, umupo kami sa isa sa mga upuan doon at nagsimulang
kumain. Tahimik ang naging pagkain ko noon at ganoon din sila. “Salamat,” sabi
ko ng makaakyat kami at makabalik sa aming mga upuan.
LUMIPAS ang ilang mga araw at naging maayos na ulit
si Athena. Minsan ay magkasabay kami kumain o minsan naman ay pumunta sa ibang lugar.
Naging masaya kami sa isa’t isa not knowing na nahuhulog na ulit ako sa kaniya.
Mahal ko na siya.
“Can
you be my girlfriend?” Nasa harapan ko ngayon si Athena at natigilan siya sa
sinabi ko.
“I
know na may pagkakamali tayo sa isa’t isa but we can fix it together, just
trust your heart to me. I want to be with you. I’m here to love you and protect
you. I know I’m not the perfect man for you but let me be the one to do. “
Unti-unting
umagos ang luha niya at naramdaman kong lumapit siya sa akin at marahan akong
niyakap. “Yes. I want to be your girlfriend.”
Kinalas
ko ang pagkakayakap niya sa akin. Tinignan ko ang kaniyang mala-anghel na
mukha. “Thank you and I love you.”
NAKAHIGA ako ngayon at inaalala ang lahat ng
nagyari sa akin. Ano ba ‘tong ginawa ko? Tama kaya ang naging desisyon ko?
May pag-aalinlangan ba
ako? Those I regret all the things that I have done?
Naging kami pero nasa sa
amin ang desisyon. Hindi sapat.
Nadala ako na baka pag
naging kami ay makalimutan niya ang nakaraan niya. Alam ko na nakakulong pa rin
siya na kung saan siya nasanay. Nasasaktan ako para sa kanya.
3 araw. Maikli pero hindi
ko alam kung tama. Nag-uusap kami tungkol sa mga bagay na kinakatakutan niya
pero hindi ko alam kung ako ba o siya ang natatakot sa aming dalawa.
Sa ikatlong araw, pumunta
kami ni Rey sa isang parke. Siguro oras na para may mapagsabihan ako ng
nararamdaman ko. Hindi ko kayang mag-isa sa lungkot na dala-dala ko.
Inilahad ko kay Rey ang lahat ng bagay na meron sa
amin ni Athena. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos
maikuwento sa kanya ang meron sa aming dalawa ngayon.
“Tama kaya ang ginawa ko,
pre?”
“Masakit sa part ni
Athena na kayo pero hindi mo siya mahal. Nagmumukhang pinapaasa mo lang siya,”
sabi ni Rey. May kung ano sa akin na hindi tinatanggap ang sinasabi niya. Tama
ba siya? Ako ba o siya?
“Kasi pre, hindi ka
nagiging totoo sa sarili mo, kaya hindi mo masabi kay Athena,” napayuko ako sa
sinabi niya. Malakas ang sapak ng katotohanan. Sa puntong iyon ay tama siya,
ako ang mali.
KINAUMAGAHAN, gumising ako nang walang ibang bagay
na gusto. Ititigil ko na. Ayoko na. Tama na.
Nakipagkita ako kay
Athena sa karaniwang lugar na tagpuan namin. Nandito ako at naghihintay sa
isang puno malapit sa isang building. Malilim sa ilalim ng punong ito kaya
sakto ang init na ibinibigay ng araw sa puwestong ito.
Unti-unti kong nakita ang
anino ng naglalakd patungo dito. Sa paglalakad niya pa lamang ay nakilala ko na
agad siya.
Nang makapunta siya sa
harapan ko, saka ako nag-angat ng tingin. Napakaamo ng mukha niya at wala pa
ring pinag-iba. Siya pa rin ang taong ginusto ko at minahal ko.
“Athena, pakiramdam ko…
wala nang patutunguhan ‘to. Kaya mas mabuti pa na… itigil na natin ito….” sa
wakas ay nasambit ko rin ang bagay na hindi ko masabi-sabi. Parang may kung
anong tinik sa aking nawala. Ang dating saya at tuwa sa tuwing makikita siya ay
wala na. As I see her now is like nothing, a strange feeling before.
“Alam ko na sasabihin mo
‘yan. I’m sorry,” nang mag-angat ako ng tingin sa kanya, nasa malayo ang tingin
niya.
“Sorry din kasi… hindi ko
kaya. Hindi natin kaya,” matapos magtama ang paningin namin ng sabihin ko iyon
ay agad siyang napayuko.
“Isang beses lang ako
magso-sorry. Hindi ito katulad ng isang milyong sorry na pinagsisihan ko yung
ginawa ko para sa’yo.”
At sa araw na iyon, ang
dalawang pusong nagmahal sa isa’t isa ay pinagtagpo ng pinandalian at pinaglayo
ng pangmatagalan.
ANG una kong impresyon kay Faye ay masungit o
mataray. Like she have that personality or attitude that I don’t want to
anyone. Pero nagkamali ako. One of her traits na nagustuhan ko sa kanya ay ang
pagiging palabiro niya pero nauuwi lang ako sa pagka-badtrip.
“Alam
mo ba Lorenzo kung bakit mainit?” Nakangiti niyang tanong sa akin.
Agad
na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Bakit?”
“Kasi
ang hot ko.” Sa pagkakasabi niya noon ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong
maramdaman. Matuwa o mainis. Sinamaan ko siya nang tingin ngunit nabigla ako sa
ginawa niya. Tumawa siya. Napatigil ako at napatulala sa kanya. May kakaiba sa
tawa niya. May naiiba.
UMAGA noon at nagising ako nang hindi maganda ang
pakiramdam. Naiirita ako at nawawalan ng gana sa kung ano ang ipinapagawa sa
akin.
Nagsimula
ito nang magkaroon kami ng practice sa play namin. Aligaga ang lahat sa mga
naka-assign sa kanilang gawain. Kailangan nang makita ang finalized output ng
play na ito. Isa si Faye sa mga kasamahan ko sa play na iyon. Masaya ang aming
grupo habang gumagawa dito pero hindi ako.
Sa
tuwing nag-uusap sila ni Larry, at sa tuwing tumatawa silang dalaw, may kung
ano sa akin na hindi ako natutuwa. Nangingibabaw ang inis na nararamdaman ko.
Nang
minsan naman akong pumasok at nakasuot ng knitted na black jacket, sinabihan
ako ni Faye na ‘feeling oppa.’ Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Panget ba
itong suot ko? Hindi ba bagay? Hindi ba niya ma-appreciate man lang?
Nagre-rehearse
na kami dahil bukas na ang performance ng play na ito. Nang makita ko si Faye
na naroon, nagsimula na akong mainis. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na
binuksan ang games na naka-install dito. Wala akong balak makipag-usap sa kahit
na kanino.
“Pre,”
nagulat ako ng bigla akong tapikin ni Rey sa balikat. “Pwede ba tayong
mag-usap?” Hindi ko alam kung bakit bigla akong nilapitan ni Rey pero ayos na
rin iyon. May mapagasasabihan na naman ako ng nararamdaman ko.
“Parang
kanina ka pa ata hindi umiimik. May problema ba pre?” Napatitig ako sa sinabi
niya. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Nauubusan ako ng salita. “Meron ba?”
“Meron,
pre… Naiinis ako.”
Kumunot
ang noo niya at agad na napasulyap sa loob ng kuwarto na tanaw mula rito.
“Kanino naman pre?”
“Kay
Faye.”
“O,
bakit ka naman sa kanya naiinis?”
“Hindi
ko alam pre, eh,” agad akong napayuko.
Nag-angat
ako ng tingin sa kanya. Nakikita ko sa mata niya na may ibig sabihin kung bakit
ako naiinis. “Alam mo kasi pre, ganito yan, eh, it’s either galit or naiinis
katalaga sa kanya o nagugustuhan mo na siya. Alin sa dalawa, pre?”
Naging
matunog ang paglunok ko sa sinabi niya. “Hindi ko alam, pre.” Nilayo ko ang
tingin ko dahil napapahiya ako sa iniaasta ko.
“Hindi
pwedeng ganun, pre. Dapat pag-isipan mo. Huwag mo hayaang mainis ka sa kanya.
Pero kung may ibang rason, sa tingin ko ay… gusto mo siya.” Nang marinig kong
may tumawag sa kaniya sa loob ay agad siyang tumingin sa akin. Nangungusap.
Tinapik niya ako sa balikat at pumasok sa loob ng kuwarto.
Hanggang
sa pag-uwi ay napapaisp ako sa sinabi ni Rey. Tama kaya siya sa sinabi niya?
Napagtanto
kong hindi ako naiinis sa kanya kung hindi sa mga taong nakapaligid sa kanya at
lalo na sa mga lalaki.
PAGKAUWING-PAGKAUWI ko ay ay agad kong binuksan ang
Messenger ko at hinanap ang contact niya. Nakita kong kulay green ang bilog sa
profile picture niya, nakabukas siya ngayon at nagpe-Facebook.
Nang
makausap ko siya sa personal ay tumatawa lang siya. “Lorenzo, naku,” nakangiti
niyang sabi sa akin.
“Seryoso
ako sa sinabi ko, Faye,” sinsero kong sabi sa kanya. Agad kaming napatitig sa
isa’t isa. Ang kaninang ngiti ay naging saya ng puso ko.
LOVING someone is a challenge. You need to survive
and win both of your heart. Masasaktan ka kung matatalo mo siya at nanalo ka.
Just
like loving a person, marami tayong dapat matutunan sa buhay. We need to
understand who we are and what are we going to do.
Minahal
ko noon si Athena pero mas natutunan ko kung paano magmahal ng dahil kay Faye.
She realized to me that our past didn’t made who we are in the present. Masaya
akong nandyaan siya to guide me, to teach me and to love me. In the end, ang
pusong minsang nag-isa ay nahanap ang pusong nawawala.
Comments
Post a Comment