Going Another Side #6 - FAYE
“Anak,” narinig kong
tawag sa akin ni Daddy. “May ginagawa ka ba?”
“Wala naman po,” sagot ko
dahil sa nanonood lang naman ako ng isang drama sa cellphone.
“Pwede ba tayong
mag-usap?” sabi niya habang tinatapik ang katabing sofa na parang umupo ako sa
tabi niya.
“Ano po ‘yon?” tanong ko matapos
makaupo.
“Everything I’m gonna
tell you, sana maintindihan mo, this is for you,” sabi niya sa mababang tono.
“Daddy naman po, ano po
‘yon? Ipaintindi niyo po sa akin,” sabi ko sa medyo pabirong tono dahil sa
hindi ako sanay na ganito ang usapan namin ni Daddy.
“Anak, since when you are
young, tinago namin, tinago ko sa iyo ‘to. I’m gonna tell you na…” isang
mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Daddy. Rinig ko ang
pagbuntong-hininga niya pahiwatig na kinakabahan siya sa nais niyang sabihin.
Bigla akong ginapangan ng kaba ng magbaba ng tingin si Daddy at magsalita.
“Hindi ka namin tunay na
anak…”
Biglang binambo ang
kaisipan ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko lubos maisip na sasabihin
sa akin ni Daddy ito. Hindi ko napansin na simula bata ako, iba ang pagtrato
nila sa akin, na talaga ngang kabilang ako sa pamilyang iyon. Sa haba ng
panahon ay hindi ko lubos maisip na ang lahat ng ipinakita nila sa akin ay
pag-aaruga at pagmamahal bilang kapamilya. Sa hindi ko namalayang dahilan ay
biglang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
“Simula pa noong bata ka,
hindi ko na alam kung nasaan ang mga magulang mo. Ang Nanay mo, ang totoong
Nanay mo, hindi na namin alam kung saan nagpunta. Ibinigay ka niya sa amin at
sinabing alagaan at mahalin ka namin na para naming tunay na anak. Nagalit kami
sa oras na iyon kasi hindi namin alam kung bakit niya ginawa iyon. Pero yung
galit na iyon, biglang nawala. Yung mahimbing mong pagtulog noon, yung pagbukas
at nakita namin ang inosente mong mata, ‘yun ang nagpawala sag alit namin sa
Nanay mo. Alam kong magagalit ka sa akin pero pinaintindi ko sa’yo ito ngayon
kasi alam naming mahirap na patagalin pa. Kaya anak…” aktong hahawakan niya ako
ay agad akong tumayo at tumakbo palabas. Hindi
po muna ngayon. Hindi ko pa po ata kaya.
Pumunta ako sa isang
lugar na hindi karaniwang dinadaanan ng mga tao. Doon ko inilabas ang lahat ng
sakit na kanina ko pa iniinda.
Bakit ngayon pa? Hindi ba
pwedeng noong bata pa lang ako ay sinabi na? Hindi ko na alam. Naging isang
malaking kasinungalingan lang ang buhay ko noong bata ako. Wari bang
napakahirap na masabing ganoon noong mga panahong sana ay nagsasaya na lang ako
ngayon dahil sa nalaman ko na. Siguro dahil sa mahal nila ako. Ewan. Malaki ang
magiging utang-na-loob ko sa mga tumayong mga magulang ko sa panahong para bang
hindi naging patas ang mundo. Paano ko pa kaya sila pakikitunguhan? Kinapa ko
ang bulsa ko kung nandoon ba ang cellphone ko ngunit nabigo ako.
Naipahilamos ko ang aking
mga kamay sa aking mukha. Kakayanin ko pa kaya? Nagtagal ako doon at nakita ko
na napakanda ng paglubog ng araw. Kumakalat ang kahel na kulay sa kalangitan at
tanging simoy na hanging dumadampi sa aking balat ang nararamdaman ko sa
paligid noon. Napakasarap sa pakiramdam na ganito ang paligid sa ngayon na
nag-iisa ako.
Siguro isa akong araw.
Maganda ang naging pagsikat ko sa umaga pero unti-unti ay makadarama ng sakit
ang mga taong nasisinagan ko. Makakasakit man ako ng tao pagdating ng tanghali
ngunit habang lumulubong ang araw, unti-unti, nagiging maganda ang paglubog
nito. Ayokong magalit sa kanila. Ayoko na kamuhian sila dahil lang sa hindi ko
naramdaman na tunay ko nga silang magulang. Oo, nasaktan ako dahil sa
katotohanang iyon pero ang lahat ng sakit ay lumilipas at nagpapalit. Hindi man
ngayon pero baka sa susunod.
Nang malapit ng magdilim
ay nakauwi na ako at bumungad agad sa akin si Ddady. “Anak? Nasaan ka
nagpunta?” tanong niya. “Dyan lang po sa tabi. Kain na po kayo, matutulog na po
ako nang maaga,” sabi ko at agad na dumiretso sa aking kuwarto.
Lumipas ang ilang taon at
unti-unting nawawala ang sakit na naramdaman ko. Natanggap ko na at buong puso
kong tinanggap na iyon nga ang nangyari. Masaya ako na nandyan si Daddy sa tabi
ko sa tuwing kailangan ko.
“Uy, Faye!” nagulat ako
sa tawag ni
“Ano na naman yun, teh?”
“Yun yung sinasabi ko
sa’yo,” tumuro siya sa isang gawi at hindi ko agad iyon nakita. Nandito kami
ngayon sa canteen at maraming tao dahil sa sabay sila ng oras sa aming
mag-break time.
“Nasaan dyan?”
“Ayun o!” sabi niya at
agad kong natanaw ang itinuturo niya. May nakita akong dalawang lalaking
nakatayo at parang may hinihintay.
“Yun yung sinasabi ko
sa’yong Tan, oh,” sa pagtingin ko sa kanila, agad na napatingin sa gawi namin
ang kasama niya.
Oh… My… Ghad… Ang cute niya, pagsusumigaw ng isip ko.
“Ano, teh? Cute ba?”
nahimasmasan ako ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko. Nakakahiya.
Napailing ako sa sinabi
niya. “Ay, nako, the, gwapo ba yun? Ang panget nga, eh, tapos ang liit,” sabi
ko sa mapait na paraan. Ayokong sabihin
na napogian ako at baka sabihing inaagawan ko siya.
Ilang araw matapos ay
nag-test kami sa ibang room. Ngayon lang ako nakapunta sa gawing ito kaya hindi
pa ako sanay sa pagdaan papunta dito. Nagulat ako ng makita kong napakaganda ng
room na ito. Nakakapressure nga lang dahil kailangan kong makakakuha ng mataas
na score dito.
Isang gabi habang
nanonood ako ng video mula sa YouTube, agad na may nagpop-up sa kalagitnaan ng
pinapanood ko. Nagtaka ako dahil bago lang ang picture na nadoon.
Dexter Gutierrez added you on Messenger.
Hi
ACCEPT DECLINE
Nagtaka ako kung sinong
Dexter na ito. Wala naman akong kilalang ganun ang pangalan. Tinignan ko ang
profile niya at nakita kong parehas kami ng pinapasukan. Pinindot ko ang accept
at baka may sabihin ito sa akin.
Hello
Ilang taon ka na?
Nagulat ako sa tinanong
niya. Sasabihin ko ba ang totoo o hindi dahil sa hindi ko siya kilala?
19 na
Natatawa ako sa naging
sagot ko.
Sa gabing iyon nagsimula ang hindi ko inaasahan.
Naging malapit kami sa
isa’t isa. Palagi kaming magkausap at siya ang nagiging kasiyahan ko sa tuwing
napapagod ako. Umabot na kami sa puntong nagkikita na kami. Nagulat ako dahil
ang kuwartong pinag-test-an ko ay ang kuwarto nila.
Hindi siya tumitigil sa paghihintay tuwing recess,
uwian at kapag wala kaming ginagawa. Noong una, nahihiya pa ako pero unti-unti
ay napapalagay ko na ang loob ko sa kanya.
Sa huli, naging kami. Mahal
ko na talaga siya. At masarap magmahal ng taong mamahalin ka rin.
Minsan may kinukwento sa
akin si Dexter. Kaibigan daw niya. Siya daw ang pinakamabait sa tropa nila.
Kaya bukas daw ay ipapakilala niya daw ako sa kanya.
Kinabukasan, nagpasama
ako kay para pumuna sa canteen. Nandoon naghihintay si Dexter at ang kaibigan
niya.
Pero napatigil ako sa
paglalakad ng makita ko ang kasama niya. Nakaupo silang dalawa sa isang bench
na may lamesa sa gitna. Nakatingin sa kung saan si Dexter habang ang kasama niya,
nakatitig sa akin.
Si Lorenzo.
“Uy, bes, asan daw ba?”
napahawak ako sa aking dibdib ng hawakan ako ni sa balikat.
“Ano ka ba naman, teh,”
sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko.
“Bakit? Para ka atang
nakakita ng multo,” napailing na lang ako.
“Faye!” narinig kong
tawag ni Dexter. Lumapit siya sa akin at ngumiti.
“Faye, ito nga pala yung
kinukwento ko sa’yo, Faye, si Lorenzo, Lorenzo si Faye,” tango ang naging tugon
ni Lorenzo sa akin.
“Kumain ka na?” tanong ni
Dexter.
“Hindi pa. Hindi naman
ako nagugutom,” sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ganu ang reaksiyon ni Tan ng
makita ako.
“Bili muna tayo ng
makakain mo,” sabi niya sa akin. “Tara, pre, libre ko,” sabi niya kay Lorenzo.
“Salamat.”
Lorenzo Tan.
Aaminin kong gusto ko
siya pero hanggang pagkagusto na lang iyon. Mahal ko si Dexter. Pero hindi ko
inaasahang mawawala ang pagmamahal kong iyon para sa kanya.
Nagbago ba siya o nagkukulang lang ba talaga ako
para sa kanya? Hindi ko alam.
Hindi na kami nag-uusap
palagi. Hindi na kami nagkikita. Huli ko na lang nalaman… may gusto na siyang
iba. Huli na. Tama na siguro.
Hindi ko inintindi iyon
dahil alam kong may gusto ako. Pero nalaman kong may gusto na siyang iba. I
like him but my hope was losing. Malayo kami. Napakaimposible.
Naramdaman kong umiiyak
na ako at naramdaman ko ang muling pagbagsak ng mga luha sa aking mata ng si
Lorenzo, ang taong gusto ko, may gusto na rin. I cried all my frustations. Nang
oras na iyon, isa lang ang nasa isip ko, n asana, ako na lang ang babaeng
nagustuhan niya. Gusto ko na mawala yung nararamdaman ni Lorenzo para sa kanya.
Gusto ko silang maghiwalay.
I know I am selfish sa
gusto kong mangyari but that’s what I think right now. My mind was occupying by
the things that happen to me.
Hanggang sa magtapos ang
lahat, tinapos ko na rin ang sa akin. Iniwan ko na nag lahat ng alaala na binuo
ko. Ayokong mabaon sa nakaraan.
But suddenly, destiny will do something for me to
be happy until that was happen.
“Ah, Daddy pasok na po
ako, pasabi na rin po kay Tita,” hindi na kaya ni Daddy na magtrabaho at si
Tita ang tumutulong sa amin. Katuwang si Tito, sila ang nagtutustos ng
pangaraw-araw namin ni Daddy. Nakapag-ayos na ako at handa na akong pumasok.
“Sige, nak. Umuwi nang maaga, ha? Ingat ka,” tango na lamang ang naging sagot
ko bago umalis.
Kinabahan ako nang makita
ang mga tao dito. I felt like this is my first time, again. I was so happy for
that. I felt something new will be happened here.
After so many
introductions done by the others, biglang nagsalita si Sir. “Next is… Faye
Marcelino. Come in front and introduce yourself.” This is it. Habang naglalkad
ako paharapan, agad na bumilis ang takbo ng puso ko. Wla na ‘tong atrasan. “Hi!
My name is Faye Marcelino. Nice to meet you all,” pakilala ko. Nakatingin lang
ako kay Sir sapagkat nararamdaman ko ang mga titig nila sa akin. Para akong
kinakabahan ng matindi dito.
Lumipas ang ilang araw,
hanggang sa umabot ng ilang lingo ay naging maganda ang umpisa namin. May ilan
siguro na magkakakilala na ngunit para akong naiilang. Habang lumilipas ang mga
araw, nakabuo rin ako ng mga bagong kaibigan kasama sina Louise, Ivy, Justine,
Mica, Francis, Arthur, Lorenzo, Chloe at iba pa.
Natatawa kami sa kanya
kanya naming mga jokes at unti-unti ay nagiging maganda ang samahan namin.
Isang gabi nag-chat sa
akin si Francis. Medyo close na kaming dalawa dahil minsan ay nagkakatabi kami.
Palagay din ang loob ko sa kanya dahil sa kaibigan ko siya.
Francis
active now
Faye?
Yes, Francis?
May gusto sana akong
sabihin sa’yo…
Sa sinabi niya pa lang na
iyon ay agad akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan. Dahil siguro sa may
mahalagang sinasabi sila kapag ganoon pero sa tingin ko ay mukhang wala naman.
Ano ‘yon?
Gusto kita.
Para akong binuhusan ng
malamig na tubig sa sinabi niya. Kaibigan ko siya at nagustuhan ako? At bakit?
Ayaw ko lang sigurong tanggapin na may nagkakagusto sa akin, ulit.
Siya? Sa tingin ko hindi
ko muna kayang makarinig ng mga salitang kagaya nyan. Hindi pa muna siguro.
Huwag ka ngang magbiro. Hindi nakakatawa.
Bago pa siya
makapag-reply, agad ko nang pinindot ang option at block message. Hindi ko pa
muna siya kayang kausapin.
You can’t reply to this
conversation anymore.
Learn
more.
Kinabukasan, agad akong
binati ni Ivy. “Uy, Faye, good morning!” Agad akong napangiti. Sumulyap ako sa
mga taong nasa kuwarto na at nakita kong kakaunti pa lang kami.
“Tara, may sasabihin
ako,” sabi niya. Agad akong umupo sa katabi niyang upuan. “Faye, si Carl kasi,”
nakikita ko na may ngiti siya sa labi. Mukha atang may magandang nangyari.
“Ano na naman ‘yon?”
tanong ko sa kanya na medyo naiinis pero sa totoo ay paasar.
“Ayun, nagkita kami
tapos…” agad na nawala ang ngiti at tingin ko kay Ivy nang makita ko si
Francis. Mukha atang hindi maganda ang pakiramdam niya. Siguro. Agad akong
nagulat ng tanungin ako ni Ivy, “Uy, Faye, nakikinig ka ba?” tanong niya. Agad
akong nahiya. “Sorry, madami lang siguro akong iniisip,” sabay ngiti. “Mamaya
na lang ulit, punta muna ako kay Louise, may itatanong lang ako,” agad siyang
tumayo at umalis.
Dahil malapit lang sa may
bintana an gaming kinauupuan, nakikita ko ang mga taong pumapasok dito. Nakita
ko ang isang pamilyar na tao na naglalakad ng mabilis. Nakasuot siya ng headset
at nagbabakasakaling nakita niya ako. Alam kong si Lorenzo iyon.
“O, Lorenzo!” agad kong
bungad sa kanya nang makita kong nakapasok na siya. Tinanggal niya ang earphone
sa mga tenga niya.
“Good morning,” bati niya
at pumunta sa upuang nasa likuran ko saka nilapag ang dala-dala niyang bag.
“Bakit Faye?”
“Yung assignment sana sa
Gen. Math, patulong ako,” sabi ko habang nagpapacute ako sa harapan niya. Agad
na kumunot ang noo niya.
“Para ‘tong sira,” biro
niya. Ganun talaga kami pag nagbibiruan pero pag minsang hindi na ako natutuwa,
nananahimik na lang ako. Agad akong napa-pout ng sinabi niya iyon.
“Sige na, sige na,” agad
niyang sabi ng makitang hindi na ako ganoong nagsasalita. Agad niyang kinuha
ang notebook na nasa kamay ko at umupo sa upuan ni Ivy.
Lumipas ang ilang araw at
naging busy na kami. Minsan din akong naging bida sa ginawa naming play.
Nakakatuwa dahil kapartner ko si Louise, Francis at Arthur.
Kinuha ko ang ID ni
Lorenzo na suot-suot niya. Niyugyog ko ito dahil nakita kong may ID picture na
nakalagay doon.
“O, sige, kapag
napatalikod ko ‘to, uuwi ka na?” nakita ko na nawala ang ngiti niya. Agad
niyang binawi ang ID niya. Napakunot ng noon a lamang siya sa sinabi ko. Ang
cute niya kapag gumaganyan siya. Ang cute
niya.
“Akin na dali,”
pangungulit ko kay Lorenzo. Nandito kami ngayon sa kuwarto. Katabi ko si
Lorenzo at hinihingi ko ang extrang ID picture niya.
“Anong gagawin mo?”
nakakunot-noong tanong niya.
“Basta. Pahingi,”
pangungulit ko. Agad niyang binigay sa akin ang isa. Kinulayan ko ng black
ballpen ang buhok niya at pinahaba. Matapos noon, tinalikod ko ang picture niya
at sinimulan ko nang sulatan.
좋아해요.
Joahaeyo
Kung maiintindihan niya man ito, sana hindi magbago
ang pagtingin niya sa akin.
“Ano ‘to?” sabi niya at
tinitigang mabuti ang nakasulat.
“Basta,” agad akong
napatawa ng makitang masama ang tingin niya sa akin. Napatingin ako sa malayo
at nakatitig si Arthur sa akin. Huwag
mong subukan, Arthur. Alam kong kaibigan mo itong si Lorenzo at alam mo kung
paano basahin ito.
“Sino dito may pitsel?”
tanong ni Kurt. “’Yung nasa malaapit lang sana.”
“Kami. Ilan ba?” tanong
ko. Agad siyang nagtanong sa mga katabi niya.
“Mga apat, okay lang?”
“Oo, okay lang,” naging
tugon ko.
“Ah, Lorenzo,” nakuha ni
Kurt ang atensiyon ni Lorenzo na may ginagawa sa cellphone niya. “Pakisamahan
naman si Faye pumunta sa kanila. Salamat.”
“Sige,” nakangiting tugon
niya. Agad kaming lumabas at pumunta sa bahay namin. Tahimik lang kaming
naglalakad hanggang sa makarating na kami sa aming bahay.
Nang makarating kami ay agad kong binuksan ang
pintuan. Nakita ko si Tita na naglilinis.
“Ma, may hinihiram sanang
pitsel yung mga kaklase namin,” sabi ko at agad siyang natigilan sa ginagawa.
“Sige, kumuha ka na doon.
Sino pala ‘tong kasama mo?” natigilan ako sa tanong ni Mama.
“Ah, si Lorenzo po,
kaklase ko,” dumiretso na akong kusina at hinanap ang lagayan namin ng mga
pitsel.
Naramdaman kong may mga
yabag na sumunod sa akin. “Kaklase mo lang ba talaga yun?” may pagdududang tono
akong naririnig kay Tita.
“Kaklase ko nga lang po
‘yun,” isinilid ko sa platic bag ang mga pitsel.
“Pogi kaso maliit,”
nagulat ako sa sinabi ni Mama. Bahagyang napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
“Tita naman!” naiinis
kunwaring sabi ko.
“O siya, at umalis na
kayo. Faye, maagang umuwi mamaya,” sabi ni Tita.
“Opo, alis na kami,”
tugon ko.
“Sige na po. Una na po
kami,” biglang sabi ni Lorenzo.
“Sige. Ingat kayo,” bago
ko isarado ang pinto, nakita lo si Tita na nakangiti. Bumalik kami ni Lorenzo
at nagtimpla ako kasama ni Ivy ng juice at ginamit ang dala-dala naming pitsel.
“Bye na, sige na. Ingat
kayo pag-uwi,” kinuha ko ang mga pitsel na hawak-hawak ni Lorenzo. “Sige na
Faye. Bye,” ngiti ang naging tugon ko at agad na naglakad sa direksyon papunta
sa amin. Sinadya kong isulat iyon para
malaman mo. Sana makita mo. Agad akong napabuntong-hininga sa naisip ko.
Matagal din pala akong maghihintay.
Waiting for the right
person is unexpected. Minsan nasa harapan na natin, sa iba pa tayo tumitingin.
Don’t like someone na ginusto mo dahil sa gusto mo lang talaga. Gustuhin mo
dahil iba ang nararamdaman mo para sa kanya. And that’s happened for me for
Lorenzo. We close by destiny. I don’t lose hope na makilala ko siya, someday.
And that someday happen to the time that I am not ready. Nakakabigla na
nakilala ko siya at nakakasama na.
Marami pa tayong pagdadaanan
sa larangan ng pag-ibig. Umpisa pa lang ito.
Comments
Post a Comment